Ang ating kultura at lenggwahe ang pundasyon upang lubusan pa nating malaman o maunawaan ang ating pagkakakilanlan. At sa paraang ito mas nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay na ito sa atin bilang isang mamamayan sa isang bansa. Mahalaga ang bawat kultura at lenggwahe sa isang bansa kaya't ating pagyamanin at pagyabungin ang ating sariling atin. Pahalagahan natin ito dahil sa mga bagay na ito tayo nakilala at mas nalaman pa natin ang ating pagkakilanlan.
" Language is a road map of culture. It tells you where people came from and where they are going. "